Salamat kay Ninang Kleyr (a.k.a. B1) para sa kick-ass sippy cup na ito. Actually, hindi pala sippy cup ang tawag dito. Ito raw ay magic sportster bottle. Taray lang ng Avent para sa mga ganito ka-astig na mga produkto. Hindi raw tutulo ang milk o kahit ano pang laman ng bote hangga't hindi sinisipsip ng baby. Dahil diyan, hindi na uulan ng gatas sa aming kama, sofa, crib, at kung saan man inabutan ng gutom si Potling at nag-trip na mag-basbas ng gatas sa paligid.
Thank you Ninang Kleyr.
P.S. Mas maganda sa picture dito ang bigay ni Kleyr. Hot Pink ang katawan ng bottle at apple green ang cover at handle.