Picture
With Lola Mama and Tita Bebang
Picture
With Lolo Papa
Picture
With Lolo Popo
Picture
With Tita Shy and Tito Doc
Click! Click! Click!
 
Ilang kaganapan bago ang mga kandila'y nahipan.
Picture
Naistorbo sa laro, ayaw pa mag-cooperate sa mga kaganapan.
Picture
Nakakita ng camera, medyo umokey na.
Picture
Dito, gusto na niyang dambahin ang cake at kandila.
Picture
Potengsh Family (Mga Ka-Nguso!)
 
Ayaw namin ni Dadda ng laces and ruffles maski noon pa. Feel namin ang pormang simpleng preppy pero sweet. Ito ang outfit. Empire cut (tama ba?) na blouse with brown ribbon and flower designs. Kulay mocha ang top at brown capri pants ang partner. Ang shoes ay simpleng trainer-walking shoes.
Picture
Ito na si Potling a few minutes bago nag-ceremonial happy-birthday-to-you-blow-the-candles moment.
Picture
 
May pansit for long life and prosperity sabi ni Chinese tradition.
Picture
May litson manok sabi ng... hmm sino ba nagsabi? Sabi namin. May kapartner itong kanin syempre pa. Pero wiz na picture. Alam naman nating lahat ang itsura ng kanin - Sinandomeng to be precise.
Picture
Ang pica-pica na tinuhog na hotdogs at marshmallow ay kinalakihan ko. Bata pa lang ako nangengealam na ko sa paggawa nito kaya dream come true ang makapaghanda ng ganito (hindi pa ako nagkakaboypren ay pinangarap ko na ang makagawa nito para sa aking anak, thank you Potling at kay Dadda sa moral support). Salamat sa aking inay, kay Shyness at Bebang sa tulong.
Picture
Mawawala ba ang ice cream? Hindi maaari. Bilang paggunita rin ito ng ilang galong ice cream na tinira ko habang pinagbubuntis si Potling. Weh, di naman ako nagka-pregnancy diabetes no! Che!
Picture
Because this is a happy happy birthday event... let's open happiness with the quintessential there's-a-valid-reason-to-be-unhealthy-today drink of our family!
Picture
Finally, thank you sa "Ice Ice Baby" ang tindahan malapit sa aming bahay para sa steady supply ng tube ice.
Picture
 
For Potling's first birthday, dalawa ang cake. :-)

Hindi naman dahil matakaw kami. We just noticed that the traditional birthday cakes aren't as yummy as those baked for yumyum purposes. For purposes of tradition, we got the rectangular version of this:
Picture
And for purposes of happier taste buds and tummies, this:
Picture
April 4,  Easter Sunday. Dadda and I (on ever-reliable Mr. Bogart),  searched the empty streets of Makati for these bundles of delight. The Pasong Tamo branch failed us. Thanks to Red Ribbon, Jupiter Street, for making our cakes pretty and ready for lunch! For parents like us who are hunting for cake a few hours before a party starts, here's the contact details of our cake angels:

124 Jupiter Street, Brgy. Bel-Air, Makati City
897-8750 / 890-3413
M - FRI 8:00 AM - 9:00 PM / SAT - SUN 9:00AM - 8:00 PM

Important: If a cashier tells you that they cannot write anything on the Chocolate Heaven cake, go look for a smiling person near the pantry. Puwede kaya!

And here are the cakes with pretty "dedications" and candles (before and after we made our wishes for Potling).
Picture
 
Black Saturday. Very good lang ang Potengsh family. Sugod sa mall for the party supplies and outfit ni Potling for her birthday party-let. The itinerary was quite simple.

Toy kingdom to buy gifts for Ate Chloe, Potling's playmate, and Potling
SM Department Store for Potling's outfit
Grocery for party supplies

Of course, may mga on-the-side activities. Gaya ng...

Pagbabalik ni Potling sa Max's kung saan siya bininyagan!

It's not the same branch though. Pero still, this is Max's. And this is her first dine-in experience.

Behave si Potling sa high chair. Hindi umiiyak, hindi nagmamaktol. Kung sino-sino lang ang nginingitian. At medyo nakaka-shy lang ang pagka-friendly ni Potling dahil nakatitig siya sa family na nasa kabilang table madalas. Sabi nga ni Dadda ay ilipat ko na raw ng mesa at mukhang gusto mangapitbahay.

Love ni Potling ang Soup of the Day. Halos maubos niya ang isang serving, inawat lang namin. The next day, inaantay namin kung may bad effect ang cream o kung anumang dairy na nilagay sa soup. Wala naman. So check!!! Sa muling pagbabalik, mas maraming soup pa ang puwede niyang kainin.
Picture
First time sa high chair!
Picture
Tumitingin ng menu pero ang pwede lang naman sa kanya ay Soup of the Day.
Picture
Busog na!
 
We have five days to prepare. Wiz na muna bonggang kiddie party for OLE (Our Little One) due to the state of the economy (wow lang!). Isang simpleng salu-salo muna sa bahay ang magaganap. Pero maski simpleng handaan, natataranta na ako. Ano ang line-up ng lafang? Ano ang itsure ng cake? Ano ang flavor ng ice cream. Magluluto ba ako ng spaghetti or bibilhin lang namin lahat ng chicha? Kelangan ba ng bagong outfit ni Potling? Dapat lang yata, dahil pag birthday ay may bagong damit.

Sorry Dadda dahil hindi natin kinakarir ito nitong mga nakaraang araw... Kelangan na natin 'tong pag-usapan. At sorry rin kay Jesus. Dahil ngayong Maundy Thursday at Black Friday ay birthday party planning ang aatupagin namin. Diba ang message naman ng iyong calvary ay faith, hope and love? Peace peace peace!
 
Actually, balak itong bilhin pero kung nais gawing regalo kay Potling ay pwedeng pwede rin. Ngayong nagkakahugis na ang pangarap na pakainin ng maraming gulay si Potling, makakatulong ang vegetable steamer at blender/food processor.

Wink wink wink!
Picture
Picture
Picture
 
Picture
Ang tawag sa model na ito ay VTech My First Phone. Natanggap ni Potling noong binyag niya mula kay Ninang Liv. May kwentong kasamang dumating. Noong unang tinest ni Dadda ang mga tugtog ng bibong telepono, nag-panic siya.

Mommy mommy pakinggan mo! Sabi who is Choleng daw!!!

Siyempre nakakapag-alala. So pinakinggan ng buong pamilya Rabanal ang tugtog.

Anu ba kuya, sabi who is calling!

British accent kasi.

Gustong gusto ni Potling ang teleponong ito. Kaya nga lang, ngayong malakas na siyang maghampas ng kahit anong bagay na hawak niya, bugbog sarado ang kawawang My First Phone.

 
Binalak kong gawin ito mula pa noong binyag ni Potling pero isang bundok na ang backlog. Good luck naman.

Mula ngayon ay mas sisinupin ko na ang pag-chronicle ng mga regalo kay Potling. For her first birthday, binigay ng kanyang Ninong Kiko. Para raw maging matalino. Ang mahirap na tanong ni Ninong, pano raw kung si Potling ay maganda lang pero hindi matalino at ginagawang lipstick ang lapis? Tipong Paris Hilton. Tuwing maghahain ako ng pagkain, ang reaksyon ay "that's hot!" Diyoskopo. Knock on wood.

If the muses are listening... please please please... give Potling the gift of love for books.
Picture
Sophie's World