Picture
Ang tawag sa model na ito ay VTech My First Phone. Natanggap ni Potling noong binyag niya mula kay Ninang Liv. May kwentong kasamang dumating. Noong unang tinest ni Dadda ang mga tugtog ng bibong telepono, nag-panic siya.

Mommy mommy pakinggan mo! Sabi who is Choleng daw!!!

Siyempre nakakapag-alala. So pinakinggan ng buong pamilya Rabanal ang tugtog.

Anu ba kuya, sabi who is calling!

British accent kasi.

Gustong gusto ni Potling ang teleponong ito. Kaya nga lang, ngayong malakas na siyang maghampas ng kahit anong bagay na hawak niya, bugbog sarado ang kawawang My First Phone.




Leave a Reply.