Picture
Nomadic ang existence ng aming pamilya. Si Potling, dalawa ang bahay. Isa sa Tatalon, isa sa Hormiga.

Naka-jackpot ako at nakakuha ng trabaho na binibigyan ako ng laya na mag-work from home. Dahil diyan, every two weeks, nagkakasama kaming mag-anak. Ngaragan lang. Kapag nasa bahay si Potling, yaya-homemaker ako maghapon at trabaho sa magdamag. Saan isinisingit ang tulog? Kung saan-saan. Si Dadda, nasa office ng 7am at uuwi ng bahay ng almost 6pm. Potling shift siya magdamag. Ngaragan at wasakan ng katawan pero walang kapalit ang reward na makasama si Potling.

Nangangarap kaming hindi habambuhay na ganito. Balang araw (na sana'y malapit na), hindi na kailangang maging nomadic si Potling. Kay Mommy at Dadda na siya lagi. Bibisita na lang siya sa isa pa niyang bahay. Paano? Hindi pa namin alam. Ang lahat pala ng alam ko sa time management at project management ay napakahirap gamitin sa totoong buhay.

For almost a year, hindi naging problema ang ganitong set-up. Dumating na ang unang extra challenge.

Kailangan akong pumasok sa trabaho. Si Dadda, pupunta ng Hongkong for a 3-day assignment. Malinis ang plano. Pupunta muna si Potling sa kabila niyang bahay at uuwi in two weeks. Ang kaso, si Tita Bebang ay may tigdas. Bawal umuwi si Potling.

Nakakabaliw pala.

Adjustments adjustments. Hindi muna ako papasok sa opisina this week - buti na lang mababait ang mga boss. Nag-back out ako sa isang major project na puhunan ko sana sa mundo ng freelance training. Pero hindi riyan natatapos ang challenge. Pag-alis ni Dadda papuntang Hongkong, maiiwan akong mag-isa with Potling. Hindi ko kaya yun. Sinong magbabantay kay Potling kapag bibili ako ng pagkain sa labas? Pano ako makakatrabaho sa gabi kung maghapon-magdamag akong bantay? Kaya eto na ang big risk. Uuwi pa rin si Potling on the second week ng tigdas ni Tita Bebang.

Ipagdasal natin ang resistensiya ni Potling. Batak naman ang mga nomads. Invoking the powers of the hunting and gathering societies. Please help our daughter. At sana ay dumating na ang hinihintay naming opportunity para magwakas na ang ganito ka-wild na pamumuhay dahil among other things, nami-miss ko na ang buhay na may ka-love team.



Leave a Reply.