March 27 to April 16. Potling stayed with Mommy and Daddda.

We say bye bye again later.

And Dadda leaves for Hongkong tomorrow.

:@(
Picture
What shall I do with all the days and hours
That must be counted ere I see thy face?
How shall I charm the interval that lowers
Between this time and that sweet time of grace?

~Frances Anne Kemble
 
Picture
Nomadic ang existence ng aming pamilya. Si Potling, dalawa ang bahay. Isa sa Tatalon, isa sa Hormiga.

Naka-jackpot ako at nakakuha ng trabaho na binibigyan ako ng laya na mag-work from home. Dahil diyan, every two weeks, nagkakasama kaming mag-anak. Ngaragan lang. Kapag nasa bahay si Potling, yaya-homemaker ako maghapon at trabaho sa magdamag. Saan isinisingit ang tulog? Kung saan-saan. Si Dadda, nasa office ng 7am at uuwi ng bahay ng almost 6pm. Potling shift siya magdamag. Ngaragan at wasakan ng katawan pero walang kapalit ang reward na makasama si Potling.

Nangangarap kaming hindi habambuhay na ganito. Balang araw (na sana'y malapit na), hindi na kailangang maging nomadic si Potling. Kay Mommy at Dadda na siya lagi. Bibisita na lang siya sa isa pa niyang bahay. Paano? Hindi pa namin alam. Ang lahat pala ng alam ko sa time management at project management ay napakahirap gamitin sa totoong buhay.

For almost a year, hindi naging problema ang ganitong set-up. Dumating na ang unang extra challenge.

Kailangan akong pumasok sa trabaho. Si Dadda, pupunta ng Hongkong for a 3-day assignment. Malinis ang plano. Pupunta muna si Potling sa kabila niyang bahay at uuwi in two weeks. Ang kaso, si Tita Bebang ay may tigdas. Bawal umuwi si Potling.

Nakakabaliw pala.

Adjustments adjustments. Hindi muna ako papasok sa opisina this week - buti na lang mababait ang mga boss. Nag-back out ako sa isang major project na puhunan ko sana sa mundo ng freelance training. Pero hindi riyan natatapos ang challenge. Pag-alis ni Dadda papuntang Hongkong, maiiwan akong mag-isa with Potling. Hindi ko kaya yun. Sinong magbabantay kay Potling kapag bibili ako ng pagkain sa labas? Pano ako makakatrabaho sa gabi kung maghapon-magdamag akong bantay? Kaya eto na ang big risk. Uuwi pa rin si Potling on the second week ng tigdas ni Tita Bebang.

Ipagdasal natin ang resistensiya ni Potling. Batak naman ang mga nomads. Invoking the powers of the hunting and gathering societies. Please help our daughter. At sana ay dumating na ang hinihintay naming opportunity para magwakas na ang ganito ka-wild na pamumuhay dahil among other things, nami-miss ko na ang buhay na may ka-love team.
 
Picture
The past couple of weeks made so many dreams come to life. Kasama riyan ang maipatikim kay Potling ang iilang putahe na alam kong lutuin. Ito ang the first's na mga ulam na luto ko na kinain ni Potling:

04/04/10 - adobong manok with atay ng manok
04/10/10 - tinolang manok
04/11/10 - ginisang repolyo with cauliflower and somekinda special sauce

Habang tumatagal, mas lumalakas na ang loob namin na pakainin si Potling ng mga lafang na kami lang dati ni Dadda ang nangangahas kumain - sad to say, kasama rito ang carinderiah carey food kapag hindi ako nagluluto.  Siyempre off limits pa rin siya sa ice cream (under negotiation pa ang hot fudge ng McDo - yung white lang na part Dadda please?) at chocolate cake. I can't wait na dumating ang panahon na no restrictions na. Pero matagal pa raw yun.

For now... kelangang mas dumami pa ang alam kong lutuing gulay. Hindi na masaya masyado si Potling sa purely steamed steamed vegies "meal" lang. Gusto niya na ng full meal na compliant sa kapanatag food pyramid. Maraming gulay, konting carbs (kanin) at konting himay-himay na karne.
 
It's one of the first three dresses we bought for Potling (yung dalawa ginamit sa binyag niya). Ito rin ang suot na damit ni Potling noong binutasan ang kanyang tenga para sa hikaw. Therefore, ito ang una niyang kikay outfit.

Malapit na hindi kumasya. Buti na lang may pekatyurs na.
Picture
 
Konting panahon na lang, makakalakad na si Potling.
Picture
 
Big issue of the week. Lumalabas na nang tuloy-tuloy ang unang ngipin ni Potling. Sinisinat, umiiyak, nagwawala. Kawawa naman. Pero mas kawawa naman ang tao kung tumanda na walang ngipin kaya tiis na lang anak.
Picture
Hindi ito picture ni Potling. Pero ganitong ganito ang puwesto ng ngipin na tumutubo. Nahawakan ko na!!!
 
Salamat kay Ninang Kleyr (a.k.a. B1) para sa kick-ass sippy cup na ito. Actually, hindi pala sippy cup ang tawag dito. Ito raw ay magic sportster bottle. Taray lang ng Avent para sa mga ganito ka-astig na mga produkto. Hindi raw tutulo ang milk o kahit ano pang laman  ng bote hangga't hindi sinisipsip ng baby. Dahil diyan, hindi na uulan ng gatas sa aming kama, sofa, crib, at kung saan man inabutan ng gutom si Potling at nag-trip na mag-basbas ng gatas sa paligid.

Thank you Ninang Kleyr.

P.S. Mas maganda sa picture dito ang bigay ni Kleyr. Hot Pink ang katawan ng bottle at apple green ang cover at handle.
Picture
 
Picture
With Lola Mama and Tita Bebang
Picture
With Lolo Papa
Picture
With Lolo Popo
Picture
With Tita Shy and Tito Doc
Click! Click! Click!
 
Ilang kaganapan bago ang mga kandila'y nahipan.
Picture
Naistorbo sa laro, ayaw pa mag-cooperate sa mga kaganapan.
Picture
Nakakita ng camera, medyo umokey na.
Picture
Dito, gusto na niyang dambahin ang cake at kandila.
Picture
Potengsh Family (Mga Ka-Nguso!)
 
Ayaw namin ni Dadda ng laces and ruffles maski noon pa. Feel namin ang pormang simpleng preppy pero sweet. Ito ang outfit. Empire cut (tama ba?) na blouse with brown ribbon and flower designs. Kulay mocha ang top at brown capri pants ang partner. Ang shoes ay simpleng trainer-walking shoes.
Picture
Ito na si Potling a few minutes bago nag-ceremonial happy-birthday-to-you-blow-the-candles moment.
Picture