We have five days to prepare. Wiz na muna bonggang kiddie party for OLE (Our Little One) due to the state of the economy (wow lang!). Isang simpleng salu-salo muna sa bahay ang magaganap. Pero maski simpleng handaan, natataranta na ako. Ano ang line-up ng lafang? Ano ang itsure ng cake? Ano ang flavor ng ice cream. Magluluto ba ako ng spaghetti or bibilhin lang namin lahat ng chicha? Kelangan ba ng bagong outfit ni Potling? Dapat lang yata, dahil pag birthday ay may bagong damit.

Sorry Dadda dahil hindi natin kinakarir ito nitong mga nakaraang araw... Kelangan na natin 'tong pag-usapan. At sorry rin kay Jesus. Dahil ngayong Maundy Thursday at Black Friday ay birthday party planning ang aatupagin namin. Diba ang message naman ng iyong calvary ay faith, hope and love? Peace peace peace!
 
Actually, balak itong bilhin pero kung nais gawing regalo kay Potling ay pwedeng pwede rin. Ngayong nagkakahugis na ang pangarap na pakainin ng maraming gulay si Potling, makakatulong ang vegetable steamer at blender/food processor.

Wink wink wink!
Picture
Picture
Picture
 
Picture
Ang tawag sa model na ito ay VTech My First Phone. Natanggap ni Potling noong binyag niya mula kay Ninang Liv. May kwentong kasamang dumating. Noong unang tinest ni Dadda ang mga tugtog ng bibong telepono, nag-panic siya.

Mommy mommy pakinggan mo! Sabi who is Choleng daw!!!

Siyempre nakakapag-alala. So pinakinggan ng buong pamilya Rabanal ang tugtog.

Anu ba kuya, sabi who is calling!

British accent kasi.

Gustong gusto ni Potling ang teleponong ito. Kaya nga lang, ngayong malakas na siyang maghampas ng kahit anong bagay na hawak niya, bugbog sarado ang kawawang My First Phone.

 
Binalak kong gawin ito mula pa noong binyag ni Potling pero isang bundok na ang backlog. Good luck naman.

Mula ngayon ay mas sisinupin ko na ang pag-chronicle ng mga regalo kay Potling. For her first birthday, binigay ng kanyang Ninong Kiko. Para raw maging matalino. Ang mahirap na tanong ni Ninong, pano raw kung si Potling ay maganda lang pero hindi matalino at ginagawang lipstick ang lapis? Tipong Paris Hilton. Tuwing maghahain ako ng pagkain, ang reaksyon ay "that's hot!" Diyoskopo. Knock on wood.

If the muses are listening... please please please... give Potling the gift of love for books.
Picture
Sophie's World
 
Breakfast is sopas. 

Bawal pa raw muna ang sabaw sabi ni Lola Mama dahil baka mag-away ang Gain at ang gatas ng sopas sa tiyan ni Potling. So for now, yung sopas lang muna. She likes!
Picture
Snack is miki bihon. 

Wala ito sa plano. Almusal ni mommy ay pansit na may bihon na small and not-so-small (yun yata ang miki). Nanghihingi si Potling kaya go, subo nang subo! And she's happy. Magkatulong kami sa pagkain ng miki bihon. Ang saya pag may kasalo.
Picture
Lunch and dinner made mommy real proud. Carrots!!! Hindi pa super happy dahil boiled carrots na mashed ito. Ubos na ang sustansya - sana lang may natira pa for Potling. I learned from our manager na ang epekto ng carrots sa kanyang anak ay pareho ng effect kay Potling - nag-hyper ang tsikiting! Sugar rush daw ito. Well, kami naman ni Dadda ay amazed na amazed sa bango ng carrots habang pinakukulo. Naubos ni Potling ang isang malaking carrot in two days.

Next stop, cauliflower at broccoli. Sana ay magustuhan niya. Pero kelangang ubusin niya muna ang mango, apple at ponkan na naghihintay sa ref.
Picture
 
March 14-26 were sad days for Mommy and Dadda... Potling had to be away.  Again. 

But she's home now. Yey! 

And she's bigger and taller and more beautiful than ever.

Sana hindi na lang niya kailangang umalis forever.