Malapit si Dadda sa TV. Exhibit A (peace tayo!)... Eto siya, tulog na pero nakakabit pa rin ang daliri sa remote control.

Picture
Nahihilig din si Potling sa TV. Maraming kuwento related sa TV addiction niya pero outstanding ang nangyari kanina.

Eksena:  Sala ng bahay. Nasa crib si Potling. Payapang nanonood ng kung anong show sa Nickelodeon. As usual, hindi na naman siya maawat - hindi kumukurap. Nagluluto ng hapunan si Mommy. Dumating si Dadda.

Dadda: Elow Potlingggg!!! Elowww!

Potling: ~ Isang split-second na tingin sa Dadda, sabay deadma ~

Dadda: Bakit kaya si Potling kapag nanonood ng TV tapos kinausap ako, tumitingin na parang nangingilala. Nakakalimutan niya ba ako?

Mommy: Ikaw din naman kapag nanonood ng TV walang kilala. Hindi ka makausap. Makipagkilala ka na lang ulit.

Dadda: Uy Potling, 6 PM na. Simpsons na. Lipat ko muna ha?

~~~ Mabilis na ililipat ang channel ~~~

Potling: Waaaa! Waaaahhhhhhh!

Dadda: (Taranta) Hala hala ayaw ipalipat!

~~~ Mabilis na ibabalik sa Nick ~~~

Potling: Silence. Back to normal.

Palakpakan. May magkaaway na sa remote control. Happier days ahead!

Pero bago yan... evil laughter muna. Hahahahhahahhaha!!!

Presenting... Exhibit B.
Picture
9/18/2010

Success is a relative term. It brings so many relatives. 《GARFIELD》

Reply



Leave a Reply.