Scene 1: Si Potling, madalas parang barnacle. Kapag nakakapit na, ayaw na bumitaw. Araw araw kaming parang mag-nanay na talaba sa sofa. Katakot-takot na pang-uuto ang kailangan para mailapag ko siya. Kanina, nagulat ako. Nagwawala siya. Sipa nang sipa, iyak nang iyak. Hindi naman gutom, hindi rin puno ang diaper. Hindi ko na alam ang gagawin nang maisip kong ibaba siya sa crib. Pagsayad sa crib, biglang tumahan. Agad agad na dumapa at kumarir ng "gapang" papunta sa kanyang mga laruan. Ah. yun pala yun. Gusto na niya ng "me" time. Ni hindi ako nilingon. Aray. Ganun pala yun.

Bago ako umalis ng bahay kanina, kinausap ko si Potling. Sabi ko. Hoy, baby ka pa ha. Kakargahin ka pa ni mommy nang matagal. Hindi puwedeng hindi na ako kasali. Maaga pa.

Naalala ko tuloy ang hagulhol ko sa eksenang ikakasal na ang bagets ni Meryl Streep sa Mamma Mia. Syet. Ito ang aking unang "Slipping Through My Fingers" moment. Mataket!

"Slipping through my fingers all the time
I try to capture every minute
The feeling in it
Slipping through my fingers all the time
Do I really see whats in her mind
Each time I think Im close to knowing
She keeps on growing
Slipping through my fingers all the time"



Leave a Reply.