Friday ng gabi (09/25/09)... natuwa akong bigla sa mga penguin. Agad-agad akong nagayos ng image ng penguin family - ginawa kong wallpaper. Tapos, pinalitan ko rin ang aking desktop theme. So ito ang masayang wallpaper ko ng Biyernes ng gabi. Mapayapa, swabe, matubig na blue. Parang ako, si Dadda at Potling.
Picture
 But no. Masamang pangitain yata ito ng tubig. Sabado ng mga 11AM, habang nag-iintay ako na tumila ang ulan, tumawag si Dadda. Pinasok na raw ng tubig ang inuupahan naming unit. Baha na. Dahil wala kaming second floor na tatakbuhan, inilikas ni Dadda si Potling sa bahay ng aming landlady (thank you kay Tita Alma, Kuya Joel, Hannah, Chris, Chloe, Jessa at Alona).

Maraming nangyari mula nung Sabado hanggang noon Martes ng hapon - yes, Martes ng hapon na nawala ang tubig sa kalye. Ang summary, naligo ang lahat ng gamit namin sa mabaho at maputik na baha. Hindi blue na mapayapa ang tubig. Mabaho, malagkit, nakakapag-init ng ulo ang tubig. Masuwerte pa rin kami kumpara sa ibang mga nasalanta... pero sa mga nangangamusta, ito ang mga nadale ni Ondoy:

~ Couch - babad sa baha kaya as good as gone...  
~ Matress ng kama - pareho ng couch
~ Si Mulai, ang aming laptop, Compaq Presario CQ40. Nag-skinny dipping ang Mulai. Malalaman sa susunod pang mga araw kung mabubuhay pa itong mag-uli. As of last Sunday, hindi siya kumikibo.
~ Sira ang ref ngayon. Freezer lang ang gumagana. Malamig ang baba. Nakaabang pa rin kami sa kanyang full recovery.
~ Lunod ang multimedia library (libro, CD, DVD - terno sa lunod na DVD player)
~ Malungkot - babad sa baha ang mga album kung saan fresh na fresh pa kami ni Dadda - from years ago
~ Mas malungkot - ang compilation ng mga Potling ultrasound, pregnancy at birthing files ay basa... susubukang patuyuin
~ Basa ang crib at stroller ni Potling. Nalabhan na ang mga tela. Handa na ang dalawang malaking lata ng Lysol para sa muling pag-assemble.
~ Basa ang lahat ng damit namin. Malupitang Alaxan FR banlawan ang naganap. Nakauwi na mula sa laundry ang 26 kilong damit. To follow ang mga kumot at tuwalya. Nakababad pa sila hanggang ngayon.

Dahil basa ang lahat ng damit, nagkaron ng panahong si Potling ay nakasuot ng mga blouse ni mommy. Hindi naman siya nagreklamo. Nakakalungkot lang tingnan dahil mukhang palaboy siya. Tinawag siya ni Dadda na Raggedy Rag.
Picture
Sa kabila ng lahat, ok kami. Buo ang penguin family. Salamat sa lahat ng nangumusta at nakaalala. Sa mga nag-volunteer na patuluyin, pakainin, damitan at kupkupin ang aming family. Special thank you kay Kleyr (kumare!) na nakasama ko sa Ondoy vigil - unscheduled woman-wife-mother talk ang naganap.

Isang masayang milestone sa kabila ng lahat... namaster na ni Potling ang paghawak ng feeding bottle.
Picture
P.S. Konting PDA... thank you kay Dadda. Kahit ilang beses muntik nagka-giyera over what to throw away and what to keep, kulay blue ang paligid dahil nandyan ka. 
8/10/2010 11:14:51 am

Within you I lose myself, without you I find myself wanting to be lost again.

Reply
9/6/2010 11:02:16 am

Friendship is both a source of pleasure and a component of good health.Sometimes dmonish your friends privately, but praise them openly.

Reply
9/19/2010 12:13:40 pm

“Toto, I've got a feeling we're not in Kansas anymore.” <<The Wizard of Oz>>

Reply
9/20/2010 10:38:28 am

oooh this is exciting! I am going to submit... :) Good luck to all the applicants, I can't wait to see who is chosen!

Reply



Leave a Reply.