You know what this means... Yes, nadagdagan na ang mga hiyaw na gawa ni Potling. Mga 5 AM, ang tipikal na oras ng paghingi ng gatas ni madam. Nung araw na iyon, hindi ang tipikal niyang walang poise na waaaaaahhhh wuuuuhhhhh uhhuuuuuu ang umalingawngaw sa bahay. Ang sabi ni Potling

Googoooooo
Gaaagaaaaaaa
Goooooo
Gooooo
Gaaaaaaaa

Sige lang anak, go lang nang go. Marami pang letters sa alphabet na pwedeng halu-haluin!
 
Biggest worry naming mag-asawa ang posibilidad na lalaking introvert/antisocial si Potling. So far, mukhang hindi pa naman kinakikitaan ng signs of mommy and daddy si Potling. Sumasama siya sa kahit kanino. Nakikipag-ngitian kahit sa strangers.

Para mas masigurong hindi lalaking takot sa tao si little one, nangako kami ni Dadda na pupunta sa lahat ng social gatherings kung saan kaming mag-anak ay invited. Siyempre para na rin maituro ang pagpapahalaga sa kaibigan by religiously attending important events (para hindi makuha ni Potling ang masamang ugali ng mga magulang niya :0P).

So ayun... First time ni Potling sa children's party!

Nakakatakot ang "focus" ni Potling sa party. HINDI SIYA KUMUKURAP! Hinihilamos ko na nga ng kamay ang mukha niya para pumikit dahil nagluluha na. Ganun ba kaganda si Jollibee at Hettie sa mata ng bata?

Eto ang mga ebidensya. Nakakunot pa ang noo ng bagets namin. Parang ayaw matakasan ng mascot.
Picture
Picture
At pagkatapos ng lahat... ito siya. Borlog! Ikaw ba naman ang isang oras mahigit na hindi kumukurap, kung di ka antukin.
Picture
 
Hay, sa wakas ay nakatiyempo kami ng maliligayang araw.

Para sa buong buwan ng September, ang schedule ni mommy ay 7PM to 5 AM. Si dadda ay nakapuwesto pa rin sa kanyang 7AM to 4PM shift. Dahil diyan, naiuwi namin si Potling!

August 29, Sabado, nagsimula na ang ligaya. Lipat-bahay ang chika sa paglipat ng mga gamit ng little one mula sa Tatalon papuntang Makati. Nakakahingal, nakakatunaw ng taba, nakakapatak ng luha.

Walang tulugan. Walang kibuan. Pagkatapos ng shift sa trabaho, shift naman sa bahay. Pero keber, walang makakapantay sa makasama sa isang bahay ang iyong chikiting.

Good luck sa ating lahat!