Isang araw noong December. Sinubukan kong talian ang konting buhok ni Potling. Sabi ni Dadda niya, bagay daw. Parang hindi pa ako marunong.
Picture
 
Suggestment ni Ninang Kleyr, pakiinin si Potling ng yogurt gaya ng kinakapatid nitong si Gabgab. Ipaalam lang daw sa doktor. Pumayag si Dok. Ang next question na lang, gusto ba ni Potling!?!

Yes yes ohyesss!!!

Miyerkules, 02/24/10, sinubukan kong pakainin si Potling ng Mango flavored yogurt. Iniiyakan niya kapag tumitigil akong magsubo. The next day, Thursday, 02/25/10, Strawberry naman. Ganun ulit. 

Nakakatuwa na gusto ni Potling ng yogurt. Dahil ako, one year ago lang kumain ng yogurt. Masarap pala! Akala ko kasi ang yogurt ay panis na gatas and therefore all things associated sa panis hold true. Yan. 

Buti na lang!!!

Dadda more yogurt please!!!
Picture
From: http://farm4.static.flickr.com/3423/3749363555_3977405a6f.jpg
 
Potling ate her first real banana today. At pinaghirapan namin ito. Kahapon, kinarir naming mag-nanay na pumunta ng palengke. Madungis kaming dalawa. Si Potling naka-shirt at diaper lang. Ako, walang ligo. Kebers. Basta makapasyal kami sa palengke. 

Gusto ni Potling ang saging. Bitin siya sa isang pirasong latundan (kinakayod ko lang ang gilid dahil sabi ng matatanda, bawal pa raw yung parteng gitna na maraming buto). Bukas ulit! At may isang pirasong hinog na mangga pang naghihintay!
Picture