Picture
Yehey!!!
 
Tingnan niyo sila.

Kung paano matulog.
Picture
Magbasa.
Picture
Mag - PSP.
Picture
Mukhang mana rin sa Dadda na mahilig mag-drive. Ultimo sippy cup, ginagawang manibela ni Potling.
Picture
Diyoskolord. Huwag naman sanang mahilig din sa scooter balang araw... dobleng nerbiyos.
Picture
 
Noong buntis ako, madalas akong tumihaya - hindi iyong masayang tihaya, bed rest ito. Sa tuwing mauutusan akong tumihaya ng aming reliable doktora, sa Tatalon kami naglalagi.

Sa Tatalon, may aquarium. At sa may kung ilang buwang bawal akong kumilos na parang normal na tao, naging paborito ko si Jaja. Si Jaja ang reliable at resident haliparot ng aquarium. Ganitong ganito ang itsura niya kapag oras na niyang maglinis ng dingding. Kapag naka-vacuum mode siya, nakatanga na ako sa aquarium para panoorin ang kanyang kissable lips.
Picture
Fast forward to November. Binili namin ng first new crib si Potling. Ang gilid ng mga crib these days ay mala-fish net. May napansin kami sa aming anak... akala namin noong una, nagkataon lang. Pero nitong simula ng December at bumili kami ng second crib... confirmed. Nag-aasal Jaja ang aming Prinsesa.
Picture
May isyu ba sa akin? Wala naman kundi germs germs germs! Napakaraming teether, sampu ang daliri, malaki ang kamao... bakit kelanganang dingding ng crib ang pinagtitripan ng anak ko.

Wala na si Jaja, binaha noong Ondoy. Pero mananatili siyang buhay sa aking alaala sa tulong ng pekatyur na ito. At sa wild moves na naperfect na namin ni Dadda - ang imitation ng kanyang cleaning hours.
 
Nag-exchange position for 5 minutes ang esophagus at large intestines ko kanina. Sa tagaaaaal na hindi naa-update ang blog na ito, nakalimutan ko na ang username and password ng aming Potling account. Salamat sa lahat ng kemikal na sinaksak sa akin noong lumabas si Dear Potling, pati ang email address ay nakalimutan ko kaya hindi ko rin ma-retrieve ang login credentials. 

After 5 minutes that seemed like 5 years, nahanap ko rin. Hindi natutulog ang Diyos. Umiidlip lang.

Whew!

Reminder para sa amin ni Dadda:
  • Username: Potling
  • Password: The Usual conjugal password
  • Email Address Clue: Ang babaeng pumatay kay Purplewarts