Malapit si Dadda sa TV. Exhibit A (peace tayo!)... Eto siya, tulog na pero nakakabit pa rin ang daliri sa remote control.

Picture
Nahihilig din si Potling sa TV. Maraming kuwento related sa TV addiction niya pero outstanding ang nangyari kanina.

Eksena:  Sala ng bahay. Nasa crib si Potling. Payapang nanonood ng kung anong show sa Nickelodeon. As usual, hindi na naman siya maawat - hindi kumukurap. Nagluluto ng hapunan si Mommy. Dumating si Dadda.

Dadda: Elow Potlingggg!!! Elowww!

Potling: ~ Isang split-second na tingin sa Dadda, sabay deadma ~

Dadda: Bakit kaya si Potling kapag nanonood ng TV tapos kinausap ako, tumitingin na parang nangingilala. Nakakalimutan niya ba ako?

Mommy: Ikaw din naman kapag nanonood ng TV walang kilala. Hindi ka makausap. Makipagkilala ka na lang ulit.

Dadda: Uy Potling, 6 PM na. Simpsons na. Lipat ko muna ha?

~~~ Mabilis na ililipat ang channel ~~~

Potling: Waaaa! Waaaahhhhhhh!

Dadda: (Taranta) Hala hala ayaw ipalipat!

~~~ Mabilis na ibabalik sa Nick ~~~

Potling: Silence. Back to normal.

Palakpakan. May magkaaway na sa remote control. Happier days ahead!

Pero bago yan... evil laughter muna. Hahahahhahahhaha!!!

Presenting... Exhibit B.
Picture
 
Scene 1: Si Potling, madalas parang barnacle. Kapag nakakapit na, ayaw na bumitaw. Araw araw kaming parang mag-nanay na talaba sa sofa. Katakot-takot na pang-uuto ang kailangan para mailapag ko siya. Kanina, nagulat ako. Nagwawala siya. Sipa nang sipa, iyak nang iyak. Hindi naman gutom, hindi rin puno ang diaper. Hindi ko na alam ang gagawin nang maisip kong ibaba siya sa crib. Pagsayad sa crib, biglang tumahan. Agad agad na dumapa at kumarir ng "gapang" papunta sa kanyang mga laruan. Ah. yun pala yun. Gusto na niya ng "me" time. Ni hindi ako nilingon. Aray. Ganun pala yun.

Bago ako umalis ng bahay kanina, kinausap ko si Potling. Sabi ko. Hoy, baby ka pa ha. Kakargahin ka pa ni mommy nang matagal. Hindi puwedeng hindi na ako kasali. Maaga pa.

Naalala ko tuloy ang hagulhol ko sa eksenang ikakasal na ang bagets ni Meryl Streep sa Mamma Mia. Syet. Ito ang aking unang "Slipping Through My Fingers" moment. Mataket!

"Slipping through my fingers all the time
I try to capture every minute
The feeling in it
Slipping through my fingers all the time
Do I really see whats in her mind
Each time I think Im close to knowing
She keeps on growing
Slipping through my fingers all the time"
 
Excited si Dadda pag-uwi. Nabasa raw niya, kapag 5 months na ang baby, puwede na maupo with minimal support. Sinubukan naming paupuin si Potling sa sofa. Aba, kinaya nga. Ang next milestone na aabangan... kailan kaya niya gagawin ito mag-isa?
Picture
O eto... Cleopatra? Ganyan matumba with grace and composure.
Picture
 
Si Potling, amazed na amazed sa kanyang mga tuhod, binti at hita.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture